Tripleng buwanang alokasyon ng bigas para sa mga benepisyaryo ng P29 rice program

Mas pinadali na ang pagbili ng murang bigas! Triple na ang buwanang rice allocation ng mga senior citizen, PWD, solo parents, at mahihirap sa ilalim ng P29 rice program ng gobyerno.
Mula sa dating limitasyon, maaari nang bumili ng hanggang 30 kilo ng bigas bawat buwan ang benepisyaryo, ayon sa Department of Agriculture (DA). Ang murang bigas ay mula sa buffer stock ng National Food Authority at mabibili sa Kadiwa ng Pangulo stores.
Inanunsyo ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang agarang pagpapatupad ng bagong polisiya sa buong bansa. “Mas madaling access sa murang bigas para sa mga nangangailangan,” ani Laurel.
Samantala, patuloy ding available ang Rice-for-All (RFA) program, kung saan kahit sino ay makakabili ng bigas sa mas mababang presyo:
✔ PHP43/kilo (5% broken grains)
✔ PHP35/kilo (25% broken grains)
✔ PHP33/kilo (100% broken grains)
Laking ginhawa ito sa mga Pilipino, lalo na sa hirap ng buhay ngayon! | via Allan Ortega | PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *