“Trilyonaryong” vlogger, ikinulong matapos hindi makapagpiyansa

Pasado alas dyes-bente ng umaga ngayong araw, February 27, 2026, pormal nang inilipat si Norman Mangusin o mas kilala bilang si Francis Leo Marcos sa Parañaque City Jail mula sa kustodiya ng PNP CIDG-NCR sa Camp Crame.

Ito ang kinumpirma ng Bureau of Jail Management and Penology makaraan mag labas ng kautusan ang Parañaque RTC branch 294 matapos hindi makapaglagak ng piyansang ₱120,000 si Mangusin dahil sa kasong 12 counts of Unjust Vexation.

Sa impormasyong ibinahagi ni BJMP Spokesman, Super Intendent Jayrex Bustinera, kinakailangan munang sumailalim sa 5 araw na quarantine si Mangusin bago ito mailipat sa regular na selda.

Kung saan makakasama niya ang 20 iba pang detinado na may kabuuang 1,043 na bilanggo ang nagsisiksikan sa Parañaque City Jail.

Unang naaresto ang vlogger nitong Feb 24, 2026h habang kumakain sa isang hotel sa Pasay City nang dumating ang operatiba ng PNP CIDG NCR dala ang warrant of arrest na inisyu ng Parañaque RTC Branch 294.

Dinala sa kustodiya ng CIDG NCR sa Camp Crame si Mangusin upang manalagi habang inaayos ang kanyang papeles kung saan bigo itong makapagbayad ng pyansa na nagkakahalaga ng ₱120,000 at nagtagal pa ng 2 araw bago mailipat sa BJMP.

Sa panayam naman kahapon ikinagulat ni NAPOLCOM Comm. Rafael Calinisan ang balitang hindi ito nakapagpiyansa taliwas sa paglalahad nito na siya ay trilyonaryo sa social media.

“Actually sa totoo nagtataka ako P120,000 lang yung pyansang pinag uusapan dito and it appears hindi siya nagpyansa or hindi niya nakayanan magpyansa. Either way he did not leave the custodial facility of the CIDG and will be transferred to the BJMP in Paranaque” saad ni Calinisan

Bukod sa kinakaharap na 12 counts of Unjust Vexation, sinabi ni Calinisan na mayroon pa silang ibang kaso na tinitignan na kinakaharap ni Mangusin gaya ng human trafficking at estafa.

Samantala, ikinakasa na rin ni dating Senador Manny Pacquiao ang kasong cyberlibel at iba pa laban kay Mangusin dahil sa mga panlalait na binitawan nito sa kanyaaging sa kanyang nanay na si Aling Dionesia Pacquaio. I via Allen Ibañez, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *