Trillion peso march magsasagawa ng protesta tuwing biyernes

Magsasagawa ng kilos-protesta ang organizers ng “Trillion Peso March” laban sa korapsyon tuwing Biyernes simula bukas, October 10 bilang paghahanda sa isasagawang nationwide rally sa November 30.

Sabay-sabay magpro-protesta ang mga paaralan, opisina, parokya, at iba’t ibang sentro ng komunidad at idadaos naman ang misa sa Edsa Shrine.

Hinihikayat naman ng organizers na magdala ang mga dadalo ng mga kandila, placard, at mga bagay na nakakagawa ng ingay.

Ang Trillion Peso March ay kampanya upang paigtingin ang moralidad ng taong bayan sa pakikibaka laban sa korapsyon ayon sa organizers nito.

Ang isasagawang kilos-protesta sa November 30 na ginugunita rin ang Bonifacio Day ay inaasahang magiging kulminasyon ng mga sunud-sunod na pagkilos.

Isang daang grupo naman ang inaasahang dadalo sa mangyayaring rally. | via Andrea Matias

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *