Trillion Peso March 2.0, generally peaceful —PNP

Naging mapayapa ang pagdaraos ng Trillion Peso March 2.0 sa iba’t ibang panig ng bansa nitong Linggo, November 30, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Batay sa datos ng PNP, aabot sa 87 aktibidad ang kanilang na-monitor sa buong bansa na may kabuuang 55,975 ang lumahok sa pagtitipon.

Sa lawak ng pagtitipon, wala namang naitalang untoward incidents at opisyal itong natapos bandang alas-7:00 ng gabi.

Nagpasalamat naman si PNP acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa organizer, marshal at mga kalahok dahil sa responsable at disiplinadong pagdaraos ng pagtitipon.

Pinuri din ni Nartatez ang mga ground commander, civil disturbance management teams, traffic units, at lahat ng police personnel para sa pagtitiyak sa maayos na operasyon mula sa preparasyon. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *