Trillanes, nagsampa ng kaso kaugnay sa ‘ICC bribery scheme’

Nagsampa ng mga kasong kriminal si dating senador Antonio Trillanes IV laban kina Atty. Levito Baligod, dating Rep. Mike Defensor, broadcaster na si Jay Sonza, at dating NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy.

Kabilang din sa mga kinasuhan ang vlogger na si Cathy Binag, at labingwalong (18) nagpakilalang “ex-Marines” kaugnay ng umano’y bribery scheme na kinasasangkutan ng mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Trillanes, walang katotohanan ang paratang na tumanggap siya ng $2 milyon mula kay Zaldy Co para sa mga ICC personnel. Iginiit niya na bilang complainant sa ICC case mula pa noong 2017, normal lamang ang kanyang pakikipag-ugnayan sa mga imbestigador at pagkolekta ng ebidensya.

Pinangunahan ni Trillanes ang pagsasampa ng cyberlibel at “Incriminating an Innocent Person” complaints laban kay Baligod, habang kinasuhan naman ng perjury ang 18 “ex-Marines” dahil sa umano’y pagbibigay ng maling testimonya.

Sinabi rin ni Trillanes na bahagi lamang umano ng smear campaign ang naturang alegasyon upang guluhin ang mga proseso ng ICC at takutin ang mga testigo. | via Judea Bernardo, D8TV Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *