Sa kulungan ang bagsak ng isang tricycle driver matapos maaresto sa isinagawang joint operation ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency sa Barangay Maharlika, Taguig City kontra sa illegal na droga.
Nasukol ang suspek sa Mindanao Avenue ng mga tauhan ng Taguig Police Substation 7 and PDEA Southern District Office.
Kung saan nakuha sa 40 taong gulang na driver ang 4 na plastic sachets ng shabu na may bigat na 500 gramo at nagkakahalaga ng ₱3.4 milyon.
Ayon kay Taguig City Police Chief, Col. Julius Añonuevo, naging matagumpay ang operasyon sa mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng iba pang law enforcement at sa lokal na pamahalaan ng Taguig sa pangunguna ni Mayor Lani Cayetano.
Siniguro nito ang tuloy-tuloy na kampanya laban sa krimen sa lungsod at ang mahigpit na pagpapatupad ng mga ordinansa sa lugar kung saan nakapag aresto ito ng 1,372 kataong lumabag.
Nahaharap ang tricycle driver sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | via Allen Ibañez, D8TV News


