Hindi pa rin pinapayagan ang trekking at pilgrimage sa Mt. Kanlaon sa Negros Island, kahit ngayong Mahal na Araw! Sa memo ng Regional Task Force Kanlaon nitong April 12, mariing paalala na strictly prohibited ang pagpasok lalo na sa loob ng 6-kilometrong Extended Danger Zone.
Nasa Alert Level 3 pa rin ang bulkan simula pa Disyembre 2024 dahil sa magmatic unrest. Kaya naka-high alert na ang mga lokal na DRRM teams para sa agarang aksyon kung kinakailangan.
Dati, paboritong puntahan ito ng mga mountaineers, faith healers, at devotees para magdasal at mangolekta ng mga halamang gamot, anting-anting, at iba pa.
Ayon sa PHIVOLCS, evacuated dapat ang mga komunidad sa loob ng 6-km radius dahil sa bantang pagsabog—posibleng may pyroclastic flow, ashfall, at rockfall. | via Allan Ortega | Photo via DOST
#D8TVNews #D8TV