Travel requirements ni Sen. Estrada, pinasusumite ng Sandiganbayan

Inatasan ng Sandiganbayan si Sen. Jinggoy Estrada na magsumite ng requirements para sa request nitong mag-travel abroad.

Nag-file ang kampo ni Estrada ng mosyon upang payagang makabiyahe ito papuntang Japan mula December 26 hanggang 31.

Kasama rin sa kaniyang request ang mga biyahe naman papuntang Norway, Iceland, at Austria mula January 5 to 15.

Binigyan si Estrada ng anti-graft court’s Fifth Division, na pinamumunuan ni Associate Justice Gener Gito, ng limang araw upang magsumite ng mga dokumento kasama na ang tinerary, hotel booking details, authority to travel, at affidavit of undertaking.

Matatandaang isinama si Estrada sa Immigration Lookout Bulletin Order o ILBO request bunsod ng pagkakasangkot umano nito sa mga maanomalyang flood control project.

Nahaharap din ang senador sa kasong plunder at graft na may kaugnayan sa maling paggamit ng Priority Development Assistance Fund o PDAF. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *