Transwoman, ipagbabawal na sa lahat ng female Olympic events

Inihahanda ng International Olympic Committee (IOC) ang pagbabawal sa mga transgender women na makipagkumpetensya sa female categories sa lahat ng Olympic sports, matapos ang isang “scientific review” na nagsasabing nananatili ang pisikal na bentahe ng mga ipinanganak na lalaki kahit matapos ang testosterone suppression.


Ayon sa ulat, ilalabas ang bagong patakaran sa unang bahagi ng susunod na taon sa pamumuno ni IOC President Kirsty Coventry. Ipinakita sa Lausanne, Switzerland ang resulta ng pag-aaral ni Dr. Jane Thornton, isang Canadian sports medicine expert at dating Olympic rower.


Sinasabing layunin ng bagong polisiya na protektahan ang female category habang pinapanatili ang siyentipikong batayan sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang sports federations.


Sasaklaw din ito sa mga atleta na may differences of sexual development (DSD), gaya nina Imane Khelif ng Algeria at Lin Yu-Ting ng Taiwan, na nagkamit ng ginto sa Paris 2024 Olympics sa kabila ng mga isyu sa eligibility.


Maaaring ianunsyo ang bagong alituntunin sa Pebrero, bago ang Milan-Cortina Winter Games, kapag natapos na ang legal review ng mga panuntunan. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *