Transport Strike, isasagawa sa September 18

Magkakaroon ng transport strike sa Huwebes, Setyembre 18, pero tiniyak ng LTFRB na hindi raw ito gaanong makakaapekto sa biyahe ng mga pasahero.

Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, handa ang mga ahensya ng gobyerno kabilang ang DOTr, MMDA, at mga lokal na pamahalaan. Inaasahan ang posibleng abala, lalo na sa mga commuter na apektado ng kilos-protesta ng grupong Piston.

Kaya naman libreng sakay ang inihanda sa pamamagitan ng military trucks, buses, at mga modernized PUVs. May dagdag na ruta na rin upang masiguro ang magaan na biyahe.

Kasabay nito, nanawagan ang LTFRB sa mga transport group na idaan sa pag-uusap ang kanilang hinaing sa halip na kilos-protesta, upang hindi na maistorbo ang mga komyuter.

Samantala, bukas pa rin umano ang pamahalaan sa pag-uusap para maresolba ang isyu. | via Ghazi Sarip, D8TV News

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *