Total ban sa e-cigarettes target ng DOH

Total ban sa vape o e-cigarettes, ito ang balak ipatupad ng Department of Health o DOH sa buong bansa.

Sa inilabas na pag-aaral ng kagawaran, iginiit dito na hindi ligtas ang vape na naglalaman ng mga kemikal na maihahambing sa sigarilyo na may seryosong epekto sa kalusugan.

Ibinahagi rin ng ahensya ang kaso ng isang indibidwal na umano’y nalagay sa panganib ang buhay matapos ang walong taong paggamit ng vape.

Tinatawag na EVALI o E-cigarette or Vaping use-Associated Injury ang mga sakit ngayon na iniuugnay sa paggamit ng vape o e-cigarettes.

Bahagi ang kampanya ng pinaigting na laban sa tobacco at nicotine products para maprotektahan lalo na ang kabataan laban sa nicotine addiction.

Ayon sa DOH, Pilipinas, Malaysia at Indonesia na lang ang mga bansang hindi ipinagbabawal ang vaping at e-cigarette products. | via Felix Laban, D8TV Stringer

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *