Torre, handa sa nalalapit na SONA

Walang bantang nakikita sa nalalapit na Ikaapat na State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa isang press briefing kahapon, Lunes, sinabi ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III na handa ang kanilang puwersa pagdating sa seguridad, ngunit maaaring makaapekto ang ulan sa isinagawang paghahanda. Nawa umano’y makisama ang panahon upang maisaayos ang deployment, logistics, maging ang maraming paying handa na rin para maging protektado rin ang mga raliyista ayon kay Torre.

Dagdag pa niya, rain or shine, sinisikap nilang tiyakin ang komportableng kapaligiran para sa lahat, lalo na’t mahalagang mairaos nang maayos at ligtas ang gagawing SONA ng pangulo. Ang mensahe ng administrasyon ay hindi dapat mahadlangan ng anumang aberya sa seguridad o panahon.

Kamakailan lamang nang ianunsyo ng PNP na nasa 11,949 pulis ang itatalaga sa iba’t ibang bahagi ng bansa bilang bahagi ng seguridad sa SONA. Tinitiyak nilang sapat ang presensiya ng awtoridad para mapanatili ang kaayusan.

Bilang paghahanda, itatayo rin ang isang command center sa Batasan Police Station, at isang multi-agency coordinating center sa Camp Karingal, Quezon City Police District para gawing mas madali ang koordinasyon ng mga ahensya sa araw ng SONA.

Sa ilalim ng ‘di mawaring banta ng panahon, tiniyak ng kapulisan ang seguridad ng bayan isang hakbang upang masigurong marinig ng taumbayan ang ulat ng pangulo nang walang humahadlang. | via Ghazi Sarip | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *