Torre, handa nang umaksiyon sa MMDA

Handa na umanong umaksiyon si dating Chief PNP Nicolas Torre III bilang bagong general manager ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.

Tututukan umano ni Torre ang mga pasaway na traffic enforcer, kasabay ng pinaigting na pagsasa-ayos ng daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Ito’y matapos pormal na maupo sa puwesto si Torre, kung saan nangako siyang sisiguruhin ang maayos at disiplinadong pagpapatupad ng mga patakaran sa kalsada.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, si Torre na ang mangangasiwa sa halos lahat ng operasyon ng MMDA, habang siya naman ay tututok sa administrative at planning aspects ng ahensiya.

Ayon kay Artes, tinatayang 70 hanggang 80 porsiyento ng kabuuang trabaho ng MMDA ay direktang pamumunuan ni Torre.

Kabilang sa mga pangunahing prayoridad ng bagong GM ang pagdidisiplina sa traffic enforcers at pagrepaso sa traffic management sa mga kilalang chokepoint gaya ng Marcos Highway at Commonwealth Avenue.

Tututukan din ni Torre ang solid waste management bilang bahagi ng mga hakbang upang maiwasan ang pagbaha sa Metro Manila. Bukod dito, magsisilbi rin siyang opisyal na tagapagsalita ng MMDA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *