Tondo lawmakers, nagpahayag ng suporta kay PCG Commodore Jay Tarriela

Nagpahayag ng buong suporta ang mga mambabatas ng Tondo, Maynila kay Philippine Coast Guard (PCG) Commodore Jay Tarriela na tinawag nilang isang “anak ng Tondo.”

Sa inihain na House Resolution No. 772, pinuri nina Rep. Rolando “CRV” Valeriano ng ikalawang distrito ng Maynila at Rep. Ernix Dionisio ng unang distrito ng Tondo ang matapang at prinsipyadong paninindigan ni Tarriela sa pagtatanggol sa West Philippine Sea.

Ayon sa mga mambabatas, ipinapakita ng mga hakbang ni Tarriela ang kanyang matibay na katapatan sa sambayanang Pilipino at ang malinaw na paninindigan para sa kapayapaan, rule of law, at pangangalaga sa pambansang soberanya.

Dagdag pa nila, nagsisilbing inspirasyon ang mga nagawa ni Tarriela sa mga taga-Tondo lalo na sa kabataan bilang patunay na ang pagmamahal sa bayan at paglilingkod nang may dangal ay walang pinipiling pinanggalingan. | via Judea Bernardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *