Tinututulan ng mga Konsehal ng Makati ang posibleng pagtaas ng buwis sa ari-arian

Binigyang-diin ni Arenas na hindi maaapektuhan ang kita ng Makati sa 20% na pagbawas sa real property tax (RPT) dahil lupa lang ang sakop nito.

“Gusto rin naming linawin na ang ordinansa ay nagbabawas lamang ng 20% sa buwis ng lupa. Hindi kasama ang mga gusali at makinarya. Kaya’t taliwas sa inaakala ng iba, hindi maaapektuhan ang kita ng Makati,” ani Arenas.

“Maganda pa nga ang naging projection ng Finance Sector kahit may 20% na bawas. Mas magiging competitive pa ang Makati. Ang pagbaba ng buwis ay makakaengganyo ng mas maraming investors magandang balita ‘yan para sa Makati at sa ating mga Makatizens,” dagdag niya.

Binanatan din ni Arenas ang mga senador na bumoto pabor sa RPVARA dahil sa epekto nito sa lokal na antas, lalo na sa mga may-ari ng lupa.

“Sana pinag-isipan muna nang mabuti ng ating mga senador ang epekto ng RPVARA sa lokal na antas, lalo na sa karaniwang mamamayan. Dagdag pasanin ito sa ating mga kababayan.” | via Allan Ortega | Photo via My Makati/FB

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *