Tinututukan ng DOTr ang pagsisimula ng privatization ng operasyon ng LRT-2 sa 2025

Target ng gobyerno na simulan ngayong taon ang proseso ng pribatisasyon ng operasyon at maintenance ng LRT Line 2, ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon. Sa press briefing sa Malacañang, iginiit ni Dizon na kailangan nang ilagay sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) ang LRT-2 at MRT-3 dahil sa paulit-ulit na problema sa serbisyo.

Kasama rito ang matagal na aberya kamakailan kung saan higit apat na oras naantala ang biyahe ng LRT-2. Tiniyak ni Dizon na mananatiling kontrolado ng gobyerno ang pamasahe kahit may pribadong operator, kaya’t walang biglaang taas-singil.

Katuwang ng pamahalaan sa prosesong ito ang International Finance Corporation para sa LRT-2 at Asian Development Bank para sa MRT-3. | via Allan Ortega | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *