Nasabat at sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cordillera – Kalinga Provincial Office at lokal na pulisya ang tinatayang ₱8.4 milyong halaga ng marijuana sa dalawang araw na operasyon sa Barangay Buscalan, Tinglayan, Kalinga nitong Hunyo 3 hanggang 4, 2025.




Sa loob ng 2,800 square meters na lupain, natagpuan ang nasa 42,000 fully grown marijuana plants na agad binunot at sinunog sa mismong taniman. Walang naaresto sa operasyon. | via Benjie Dorango | Photo via PDEA
#D8TVNews #D8TV