Kahit abala si Ariana Grande sa ibang proyekto lalo na sa part 2 ng pelikulang Wicked klaro niyang sinabi na hindi siya titigil sa pagkanta.
Sa isang Instagram post, pinawi niya ang pangamba ng fans.
“Music is and has always been my lifeline… there will need to be room made for all of it.”
Ang huli niyang buong album, Eternal Sunshine ay inilabas noong 2024 apat na taon matapos ang Positions noong 2020.
Si Ariana ay kilala sa mga hit tulad ng Dangerous Woman, God is a Woman, 7 Rings, Stuck With U kasama si Justin Bieber at Love Me Harder kasama si The Weeknd. | via Allan Ortega