Pinag-uusapan ng Estados Unidos at Pilipinas ang posibilidad ng pagdagdag ng mga missile system sa bansa bilang dagdag na panangga laban sa panlabas na banta.
Ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, ongoing na ang talakayan para rito. Ang pagsasanay sa paggamit ng mga launcher ay kapareho ng isinagawa noong Balikatan exercises, kung saan sinubukan ng AFP at US military ang Typhon at NMESIS missiles.
Dagdag pa ni Romualdez, hindi lang missile systems ang usapan kundi pati iba pang kagamitan para sa depensa at pagpapalakas ng alyansa sa Amerika.
Matatandaang noong Abril 2024, nag-deploy na ang US ng Typhon at NMESIS missiles sa joint exercises na Salaknib at Balikatan.
Samantala, mariing tinututulan ng China ang presensiya ng mga missile ng US, dahil umano’y panlaban ito sa pag-angat ng China at banta sa Indo-Pacific region. Tumanggi naman si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa hiling ng Beijing na iurong ang mga launcher. | via Allan Ortega
