Isiniwalat ni House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila De Lima na may mga haunted hospital ang Department of Health (DOH).
Pinaiimbestigahan na ito ni De Lima sa Kamara, sa pamamagitan ng paghain ng House Resolution (HR) No. 353 dahil umano nasasayang ang pondo ng DOH sa posibleng korapsyon ng mga opisyal ng gobyerno, public employees at private companies. | via Ghazi Sarip
