Tinanggihan ng Branch 159 ng Pasig Regional Trial Court ang mga petisyon para sa piyansa na inihain nina Pastor Apollo Quiboloy at limang kasamahan—Sylvia Cemañes, Paulene Canada, Jackielyn Roy, Cresente Canada, at Ingrid Canada—dahil sa malakas na ebidensya ng qualified human trafficking na isinagawa umano ng isang sindikato. Ayon sa 23-pahinang desisyon na may petsang Hulyo 20, hindi pa ito pinal na hatol, kundi para lamang sa usaping piyansa.
Giit ng korte, malakas ang presumption of guilt kaya hindi sila pinayagang magpiyansa. Nilinaw naman ng hukuman na mahabang proseso pa ang dadaanan ng kaso at may pagkakataon pa ang magkabilang panig na magharap ng ebidensya.
Pahayag ng abogado ni Quiboloy, Atty. Israelito Torreon, hihilingin nilang muling isaalang-alang ng korte ang desisyon dahil posibleng hindi nabigyang-pansin ang cross-examination kay alias “Amanda.” Mariin din niyang itinanggi ang pagkakasangkot ng kanilang kampo sa online threats laban sa mga huwes.
Sa kabilang panig, ikinatuwa ng kampo ng complainant ang desisyon. Ayon kay Atty. Joahna Paula Domingo, “malapit na ang hustisya” sa pagkakakait ng piyansa.
Si Quiboloy ay nahaharap sa non-bailable qualified trafficking charges sa ilalim ng RA 9208, at may hiwalay pang kaso sa ilalim ng RA 7610 sa Quezon City. | via Allan Ortega | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV