Tinanggihan ng GMA Network ang alok ng kasunduan mula sa TAPE

Hindi tinanggap ng GMA Network ang halagang inialok ng Television and Production Exponents (TAPE) Inc. bilang kabayaran sa kanilang utang na umaabot sa ₱37.9 milyon!

Nagharap ang dalawang panig sa isang mediation meeting kaugnay ng kasong estafa na isinampa ng GMA laban sa TAPE.

Hindi raw naibigay ng TAPE Inc. sa GMA ang tamang bayad sa airtime fees, kahit may kontrata na nagsasabing dapat itong remittance. Sa halip, ginamit daw ito sa operational gastos ng TAPE — isang malinaw na paglabag sa tiwalang ibinigay sa kanila.

Ang kasalukuyang alok ng TAPE para makipag-areglo ay tinanggihan ng GMA dahil kulang ito. Kaya’t ire-re-raffle ang kaso sa bagong piskal para sa preliminary investigation.

Sinasabing umabot sa ₱37,941,352.56 ang kabuuang perang hindi naipasa sa GMA mula sa kinolektang ad revenues — malaking dagok sa dating TV partnership! | via Allan Ortega | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *