Dakong alas-kwatro kahapon sa Banga, South Cotabato, sa pinagsanib na puwersa ng PDEA at lokal na pulisya, timbog ang isang drug suspect na kinilalang si alias Jason, 36 anyos, walang trabaho, at residente ng Surallah.
Nasamsam mula sa kanya ang tinatayang 55 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit ₱374,000, kasama ang mga drug paraphernalia at buy-bust money.
Ayon kay PDEA Regional Director Benjamin Recites III, kakasuhan ang suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, partikular sa pagbebenta, at paggamit ng drug paraphernalia.
Muli, pinaalalahanan ng PDEA ang publiko na ang laban kontra droga ay hindi lamang tungkulin ng otoridad, kundi maging ng komunidad. | via Ghazi Sarip, D8TV News | Photo via PDEA Regional Police XII
#D8TVNews #D8TV
