Timbog ang high-profile target sa isinagawang buy-bust operation sa CDO

Sa Barangay 32,Yacapin Street, ikinasa ng PDEA Regional Office 10, katuwang ang PNP Criminal Investigation Bureau at Cagayan de Oro City Police, ang operasyon .

Nasamsam mula sa suspek na kinilalang si alyas “Bugoy”, 30 anyos, residente ng Iponan, ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu. Timbang nito’y humigit-kumulang 5 gramo na may halagang 34,000 piso, kasama ang buy-bust money, lighter at coin purse.

Ayon kay PDEA Regional Director Alex Tablate, matagal nang minamanmanan ang suspek dahil sa koneksyon nito sa ilegal na droga.

Sa ngayon, nahaharap si alyas “Bugoy” sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | via Ghazi Sarip, D8TV News | Photo via PDEA-CDO

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *