Inaresto ng Danao City Police Station (CPS) ang isang 63-year-old na gumagawa ng ilegal na baril sa Barangay Cahumayan.
Nakumpiska sa suspect ang .45 caliber na pistol, isang hindi pa natatapos na .45 caliber na pistol, iba’t ibang parte ng baril, magazines, at iba pang panggawa ng baril.
Ayon kay Police Captain Dunn Blane Tabares, information officer ng Cebu Provincial Police Office (CPPO), nakatanggap sila ng tawag sa Danao Police Station patungkol sa ilegal na gawain ng suspek. Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 at sa COMELEC Gun Ban.
Ayon naman sa press release ng CPPO, Pinupuri ni Acting Provincial Director PCOL. Jovito Atanacio ang ginawang pag-aresto sa suspect. Dadagdag pa niya, ito’y nagbibigay ng malakas na mensahe sa mga kababayan nila na hindi papalampasin ng Cebu CPPO ang ilegal na paggawa ng baril at inuudyok niya ang publiko naireport sa kanila ang mga kahinahinalanag aktibidad sa kanilang nasasakupan. | Photo via Danao City Police Station, Cebu PPO FB Page
D8TVNews #D8TV