Tiket na binili sa Laguna, tumama sa P21.5-M MegaLotto jackpot

Isang maswerteng mananaya mula San Pedro, Laguna ang tumama sa jackpot prize na P21,538,656.00 sa MegaLotto 6/45 draw noong Miyerkules, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).


Ang winning combination: 44-30-12-24-06-35.


Ang nanalo ay may isang taon para i-claim ang premyo sa PCSO Main Office sa Mandaluyong. Kailangan ipakita ang winning ticket at dalawang valid IDs. Ang premyo ay sasailalim sa 20% tax.


Ang iba pang mga nanalo 23 bettors tumama ng 5 numbers, tig-P32,000, 1,117 players 4 numbers, tig-P1,000 at 19,467 players 3 numbers, tig-P30.

Ang MegaLotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *