Tiger Woods sumailalim sa operasyon dahil sa napunit na Achilles tendon

Matapos maramdaman ang matinding sakit sa kaliwang Achilles tendon habang nag-eensayo, sumailalim si Tiger Woods sa isang operasyon upang ito’y ayusin. Ayon kay Woods, matagumpay ang minimally-invasive procedure na isinagawa ni Dr. Charlton Stucken sa Florida, at umaasa siyang gagaling agad.
Gayunpaman, ang karaniwang recovery mula sa ganitong injury ay inaabot ng ilang buwan, kaya posibleng hindi siya makasali sa mga major tournament ngayong taon.
Si Woods, 49, ay patuloy na nakararanas ng matitinding injury mula sa kanyang 2021 car crash. Bagama’t bumaba na ang kanyang laro, sinabi niyang nananatili ang kanyang determinasyon na makabalik sa kompetisyon. | via Allan Ortega | Photo via golfaustralia.com.au

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *