Tick-borne infection naitalang pinakamataas na bilang ng kaso sa Japan

Umabot na sa 135 kaso ng Severe Fever with Thrombocytopenia Syndrome (SFTS) sa Japan hanggang Agosto 10, ayon sa Japan Institute for Health Security—pinakamataas na bilang sa kasaysayan, na lumampas sa 134 kaso noong 2023.

Ang SFTS ay sakit na dulot ng virus mula sa kagat ng garapata, pero maaari ring mahawa mula sa aso, pusa, at kahit tao sa tao (naunang nakumpirma noong nakaraang taon).

Maaaring magdulot ng lagnat, pananakit ng tiyan, at iba pang sintomas matapos ang incubation period na 6 hanggang 14 araw.

Nagbabala ang health ministry dahil ang malalang kaso ng SFTS ay maaaring ikamatay. | via Allan Ortega | Photo via Jiji

#D8TV #D8TVNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *