Terminal, cargo at toll fees, inalis muna sa mga maghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo

Tinanggal na muna ng Philippine Ports Authority (PPA) ang terminal fees sa RoRo para sa mga sasakyang maghahatid ng mga kagamitang pang-rescue at relief goods sa mga apektado ng Bagyong Uwan.

Kasama rito ang government vehicles, private vehicles na may dalang relief goods o rescue equipment para sa government agencies.


Inalis na rin muna ang cargo fees sa local airlines para sa mga maghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.


Bago nito, ipinag-utos na rin ni acting Transportation Secretary Giovanni Lopez sa Toll Regulatory Board (TRB) ang pag-waive sa toll fee sa mga sasakyang reresponde sa mga emergency at rescue operations na dadaan sa expressways.


Ayon pa kay Lopez, maaga rin silang nag-deploy ng mga sasakyan para mapabilis ang pagsasagawa ng relief at rescue operations.


Samantala, tuloy-tuloy naman ang pagbibigay ng pagkain at inumin sa mga pasaherong stranded sa mga pantalan at bus terminals.

Nakaantabay rin ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa sitwasyon ng mga airport na apektado ng Bagyong Uwan.

Alinsunod ang mga hakbang na ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapadali ang paghahatid ng tulong sa mga kababayan nating maaapektuhan ng bagyo. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *