TD Mirasol, nag-landfall sa Casiguran, Aurora

Nagsimula nang mag-landfall si Tropical Depression (TD) Mirasol sa Casiguran, Aurora nitong Miyerkules ng madaling-araw. Taglay nito ang lakas ng hangin na hanggang 55 kph, at bugso na umaabot sa 90 kph.
Signal No. 1 ang nakataas sa mga lugar gaya ng Batanes, Cagayan (kasama ang Babuyan Islands), Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Cordillera provinces, Ilocos Norte, Ilocos Sur, at Polillo Islands.

Inaasahan din ang malalakas na ulan sa Aurora, Cagayan, Isabela, Quirino, Ifugao, Mountain Province, Kalinga, Apayao, Ilocos Norte, Nueva Vizcaya at Nueva Ecija.

Samantala, ang habagat ay magdadala ng malalakas na hangin sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas, kabilang ang Quezon, Bicol, Mindoro, Palawan, Panay Island, Guimaras, at Negros Occidental.

Ayon sa PAGASA, magiging maalon ang karagatan sa Cagayan, Isabela, Aurora, Batanes, Babuyan Islands, at Ilocos Norte. Pinapayuhan ang maliliit na sasakyang-dagat na mag-ingat.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si Mirasol bukas. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo via DOST-PAGASA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *