Matapos ang record-breaking na $2-bilyong Eras Tour noong Disyembre 2024, mukhang may bagong “era” na naman si pop megastar Taylor Swift.
Sa isang Instagram post mula sa opisyal niyang team na @taylornation nitong Lunes, ibinahagi ang 12 larawan ni Taylor na nakasuot ng mga orange na damit, kalakip ang caption: “Thinking about when she said ‘See you next era…’ ❤️🔥.”
Nag-react agad ang mga Swifties (ang tawag sa fans niya) at nag-speculate na baka kulay orange ang tema ng kanyang paparating na ika-12 album, kasunod ng The Tortured Poets Department.
Maging ang Republic Records, record label ni Taylor, ay nag-like at nag-comment din ng “❤️🔥.”
Samantala, ang “New Heights” podcast na co-host ng NFL star at nobyo ni Taylor na si Travis Kelce, nag-tease ng episode na may “very special guest” na ilalabas ngayong Miyerkules, Agosto 13 paboritong numero ni Taylor.
Ang teaser ay silhouette na sinasabi ng fans na si Taylor, sa ibabaw ng orange na background.
Dagdag pa rito, ang opisyal na website ni Taylor ay kasalukuyang may orange na background at countdown na magtatapos alas-12 ng tanghali sa Agosto 12.
Kasama rin sa mga larawang inilabas sa Instagram si “Manchild” singer Sabrina Carpenter, na may kaparehong petsa sa kanyang sariling website posibleng palatandaan ng collab.
Huling nag-post si Taylor sa IG noong Mayo para ianunsyo na nabili na niya muli ang rights ng unang anim na album mula sa Shamrock Capital. | via Allan Ortega | Photo via Tylor Nation/Instagram
#D8TVNews #D8TV