Tatlong weather system ang magdadala ng ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong Biyernes, October 24, ayon sa PAGASA.
Ang shear line ay magpapadala ng kalat-kalat na ulan at kulog sa Batanes at Babuyan Islands.
Sa kabilang banda, dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ), asahan din ang maulan at maalon na panahon sa Zamboanga Peninsula, BARMM, Negros Island Region, Sarangani, Sultan Kudarat, at Palawan.
Hindi rin ligtas sa ulan ang Aurora, Quezon, at Camarines Norte, na apektado naman ng easterlies.
Babala ng PAGASA posibleng magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa ang katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan sa mga naturang lugar.
Samantala, ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng pana-panahong buhos ng ulan dahil sa ITCZ at localized thunderstorms.
May katamtaman hanggang malakas na hangin at medyo maalon hanggang maalon na dagat sa hilagang at kanlurang bahagi ng Northern Luzon, habang banayad hanggang katamtaman naman ang hangin at alon sa ibang lugar. | via Allan Ortega
