Tatlong miyembro ng pamilya, patay nang salpukin ng van

Patay ang tatlong miyembro ng isang pamilya habang sugatan ang isa pa matapos salpukin ng isang van ang kanilang motor sa Oriental Mindoro.

Idineklarang dead-on-arrival sa Grace Mission Hospital ang tatlo na natukoy na mag-asawa kasama ang kanilang 10-anyos na anak.

Ihahatid sana ng driver ng motor ang kanyang mag-ina sa transport terminal sa Calapan mula sa bayan ng Pola ng banggain ng van.

Ayon sa driver ng van, pumreno siya at umikot ang kanyang sasakyan matapos banggain ng isa ring motorsiklo, dahilan para tamaan niya ang motor ng mga biktima.

Pero ayon sa imbestigasyon, hindi totoong may bumangga sa kanya.

Nahaharap ang driver ng van sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage to property. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *