Tatlong linggo matapos hagupitin ng Bagyong Tino ang Central Cebu, 44 katao pa rin ang nawawala.
Patuloy ang search and retrieval operations ngayong Miyerkules, November 19, ayon sa PDRRMO, pero hirap ang mga awtoridad dahil sa logistical issues tulad ng makakapal na debris at putik.
Ayon kay retired Col. Dennis Pastor, disaster chief ng probinsya, posibleng naanod sa dagat o nalubog sa putik ng ilog ang ilan kaya hirap ma-detect ng K-9 units.
Pinakamaraming nawawala ay mula sa Compostela (24), kasunod ang Balamban – 15, Asturias – 2, Liloan – 2 at Mandaue City – 1.
Nasa LGUs ang desisyon kung kailan tatapusin ang search operations, habang PNP ang may hawak sa mga kaso ng missing at fatalities.
Nagpadala na ang Capitol ng heavy equipment at dagdag-tao para tumulong sa retrieval, lalo na sa mga lugar na pinaka-winasak ng flash floods.
Sa ngayon, umabot na sa 150 ang kumpirmadong nasawi sa Cebu isa ito sa mga pinakamalulupit na bagyo sa kasaysayan ng isla. | via Allan Ortega
