Tatlong (3) kilong Marijuana galing Manila, idinaan sa parcel, na-intercept sa Cotabato

Anim na bricks ng hinihinalang marijuana na may timbang na humigit kumulang tatlong kilo na na may street value na Php 360,000.00 ang nakumpiska ng mga otoridad sa isang parcel warehouse sa Brgy. Glamang, Polomolok, South Cotabato, Marso 5, 2025, 10:30 ng umaga.

Ayon kay PDEA RO12 Regional Director Benjamin C Recites III, ang interdiction operation ay bunga ng isang intel report na may parcel mula Quiapo, Metro Manila at naka-address sa isang Alias Jayar ng General Santos City na naglalaman ng mga bricks ng hinihinalang dahon ng marijuana.

Ang operasyon ay isinagawa ng magkasanib na pwersa ng PDEA Sarangani Provincial Office, PDEA Regional Special Enforcement Team, PDEA South Cotabato PO, PDEA Seaport and Airport Interdiction units, Philippine Coast Guard Intelligence Group Southern Mindanao, at Polomolok Municipal Police Station.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa tunay na pagkakakilanlan ng nagpadala at tagatanggap ng nasabing parcel.

#D8TVNEWS#D8TV#Digital8

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *