Tataas ang presyo ng gasolina, diesel, at kerosene sa Martes, Marso 25, 2025

Mas matataas na presyo ng gasolina at diesel ang sasalubong sa mga motorista ngayong linggo!
Ayon sa mga kompanyang Caltex, Seaoil, at Shell, tataas ng P1.10 kada litro ang gasolina, habang P0.40 naman sa diesel at kerosene simula Martes, Marso 25, alas-6 ng umaga. Ang Cleanfuel ay magpapatupad ng parehong taas-presyo, pero magsisimula ito ng alas-4:01 ng hapon.
Ayon sa DOE, ang pagtaas ng presyo ay dulot ng tensyon sa Middle East, mas mataas na demand sa China, at pagbaba ng oil supply sa US.
Noong nakaraang linggo, bahagyang bumaba ang presyo ng diesel at kerosene, pero ngayong linggo balik taas-presyo ito! | via Lorencris Siarez | twitter.com

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *