Nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) na kapag naging pinal at executory ang desisyon sa diskalipikasyon ni Tarlac City Mayor Susan Yap-Sulit, awtomatikong papalit sa kanya si Vice Mayor Katherine Therese Angeles.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, naghahanda na ang poll body na maglabas ng certificate of finality at entry of judgment kaugnay ng kaso ni Sulit, na napatalsik sa puwesto dahil sa isyu ng kanyang residency.
Wala pang inilalabas na temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court para pigilan ang pagpapatupad ng desisyon, ani Garcia.
Idinagdag pa niya na hindi maaaring pangibabawan ng boto ng taumbayan ang umiiral na batas:
“The will of the people cannot prevail over the rule of law.”
