Tanggapan ng DPWH-Cordillera sa Baguio, nasunog

Sa gitna ng gumugulong na imbetigasyon tungkol sa mga maanomalyang flood control project, isang sunog ang sumiklab sa Baguio regional office ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Miyerkules ng hapon, January 14.

Ayon sa Bureau of Fire Protection o BFP, naiulat ang sunog sa DPWH-Cordillera Administrative Region pasado alas-5 ng hapon at idineklarang under control bandang alas-5:43 p.m.

Ayon naman sa DPWH, tinatantiyang humigit-kumulang dalawang metro kuwadrado ng opisina ang naapektuhan ng sunog, pero wala itong binanggit kung may mga sensitibong dokumento na nadamay.

Walang empleyadong nasugatan sa insidente.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DPWH sa BFP at sa lokal na pamahalaan ng Baguio City upang magsagawa ng masusing imbestigasyon. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *