Taiwan, magpapaabot ng P11 Million na humanitarian aid sa mga biktima ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu

Magbibigay ng USD 200,000 o humigit kumulang P11 Million na halaga ng humanitarian aid ang Taiwan sa mga biktima ng naganap na magnitude 6.9 na lindol sa Cebu noong September 30, 2025.

Naganunsyo ang Taipei Economic and Cultural Office (TECO) sa Manila ngayong Biyernes, October 10, na ito ang unang bahagi ng tulong na planong ibigay ng Taiwan sa Visayas.

Ayon sa isang pahayag ng TECO, hindi lang tulong pampinansyal ang kanilang ipinapaabot, sila rin ay patuloy na nagdarasal para sa mga biktima ng malakas na lindol na yumanig sa Cebu Province.

Dagdag pa ng TECO, layon ng kanilang ibibigay na donasyon na matulungang makapagtayo muli ng mga bahay ang mga pamilyang naapektuhan ng lindol. Ang tulong na ito rin ay masusundan ng additional relief materials.

Nauna nang inanunsyo ng TECO Representative Wallace Minn-Gan Chow ang assistance sa reception sa Taguig City kahapong gabi, Thursday, October 9, kung saan siya rin ay nagpahayag ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima ng lindol.

Ang tulong na ibibigay ng TECO ay ipapadaan sa Manila Economic and Cultural Office (MECO) at inaasahang iaabot nito ang resources sa Cebu Provincial Government. | via Kai Diamante

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *