Tagumpay ng Marikina laban sa baha: Mas maayos na daluyan ng tubig, relokasyon — Quimbo

Matapos ang tatlong sunod-sunod na bagyo nitong Hulyo, maraming lugar sa Luzon lubog sa baha pero ang Marikina, tuyo pa rin ang kalsada! Kaya tanong ng netizens anong sikreto nila?

Ayon kay Cong. Miro Quimbo, hindi ito magic kundi bunga ng 15-year flood control plan. Simula pa kay dating Mayor Bayani Fernando, nilinis at pinalapad ang Marikina at Nangka River, pinaalis lahat ng informal settlers sa gilid at sinigurong may sapat na kapasidad para sumalo ng tubig galing Antipolo at Montalban.

Kasunod, nagtayo ang DPWH ng interceptor channels para mas mabilis makarating ang tubig-ulan mula creek diretso sa ilog walang paikot-ikot. Dagdag pa, may malalalim na water tunnels sa ilalim ng kalsada para saluhin ang sobrang tubig.

Samantala, sa national level, kumulo ang dugo ni Pangulong Marcos Jr. matapos lumabas na posibleng P1 trilyon sa flood control funds mula 2011 ay nalunod sa korapsyon! Pinangalanan pa niya ang 15 kontraktor na umano’y kumopo ng higit 2,000 proyekto.

Ngayon tatlong House committees na ang umuusisa kung saan napunta ang bilyones para sa flood control na tila mas napunta sa bulsa kaysa sa baha. | via Allan Ortega | Photo via Cong. Miro Quimbo/Facebook Page

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *