Taguig City Police, naaresto sa loob lahat ng nasa top 10 most wanted nitong Enero

Matagumpay na naaresto ng Taguig City Police ang lahat ng nasa listahan ng Top 10 most wanted sa lugar sa unang buwan ng 2026.

Kung saan ang mga sangkot ay may service warrant dahil sa mga kasong kinakaharap gaya ng staturatory rape, paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 kabilang na rito ang illegal possession of dangerous drugs at crimes against persons.

Ayon kay Taguig Police Chief Col. Julius Añonuevo, ang matagumpay na operasyon ay bunga ng kanilang pinaigting na intelligence-driven operasyon kabilang ma ang mahigpit na koordinasyon sa iba pang units ng pulisya at law enforcement agencies.

Binigyang diin din ng opsiyal na magpapatuloy ang kanilang operasyon sa mga susunod pang mga buwan para matiyak ang seguridad ng bawat komunidad sa lugar at maiwasan ang anumang karahasan at ilegal na aktibidad.

Kasunod nito, pinuri ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang mga pulis sa kanilang dedikasyon na panatilihin ang kapayapaan at seguridad sa lungsod na sumasalamin sa long term vision ng nasabing lalawigan. I via Allen Ibañez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *