Tagle kabilang sa mga Cardinal na itinuturing na may tsansang mahalal

Sabi ng matatandang Italiano, “Ang pumapasok sa conclave bilang Papa, lalabas na Kardinal.” Kaya ingat sa mga hula kung sino ang susunod na Santo Papa!

Pero sa mga nababanggit bilang “papabili” o posibleng maging susunod na Pope, pasok si Cardinal Luis Antonio “Chito” Tagle — tinaguriang “Asian Francis” dahil sa malasakit sa mahihirap. Sa edad 67, may taglay siyang karanasan bilang obispo, arsobispo, at dating pinuno ng Caritas Internationalis. Ginawa siyang Cardinal ni Pope Benedict XVI noong 2012, at inilipat sa Roma ni Pope Francis noong 2019 para pamunuan ang misyonaryong sangay ng Simbahan.

Bilang anak ng Pilipina at Chinese, at fluent sa Italian at English, may plus points siya. Pero dahil sa kontrobersya sa Caritas na pinamunuan ng layperson at nagdulot ng mass firing, tanong ng ilan: Makakaapekto kaya ito sa tsansa niya?

Kung siya ang mapili, siya ang magiging unang Asian Pope sa kasaysayan!

Habang nagluluksa ang mundo sa pagpanaw ni Lolo Kiko, balik-tanaw ang mga Pinoy sa emosyonal na pagbisita niya noong 2015. Alaala pa ang baha ng luha at ulan sa Luneta kung saan pinagsama niya ang 6 milyong Pilipino sa pinakamalaking papal mass sa kasaysayan.

Sabi nga ni Archbishop Soc Villegas, “Si Pope Francis ang Jesus ng ating panahon.” | via Allan Ortega | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *