Taas-sahod ng sundalo, sigurado na!PHOTO: Philippine Army

Maniniwala ka ba sa budol? Huwag! Sigurado na ang dagdag sa daily subsistence allowance ng mga sundalo at ipatutupad ito ayon sa plano, sabi ni House Deputy Speaker David Suarez.
“Fake news ‘yan! May pondo na ito sa 2025 budget. Walang atrasan!” diin ni Suarez.
Mula P150, itataas sa P350 kada araw o PHP10,500 kada buwan ang allowance, ayon sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos at isinulong ni Speaker Martin Romualdez.
Kinondena ng AFP ang maling balita, pinagtibay na aprubado at popondohan ang umento.
Babala ni Suarez sa netizens: “Huwag magpakalat ng kasinungalingan! Respetuhin natin ang sakripisyo ng ating mga sundalo.” | via Allan Ortega | Photo via Philippine Army

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *