Ipinatupad alas-6:00 ng umaga nitong January 20 ng mga kumpanya ng langis ang taas-presyo ng mga produktong petrolyo.
May P1.00 na dagdag sa kada litro ng gasolina, habang P2.00 ang itinaas sa diesel. Ang kerosene naman ay may P1.50 na dagdag sa kada litro.
Ayon sa Department of Energy o DOE, isa sa pangunahing dahilan ng pagmahal ng langis ay ang patuloy na tensiyon sa Iran, na nakaaapekto sa suplay at presyo nito sa pandaigdigang merkado.
Pinalala rin umano ng paghina ng piso kontra US dollar ang presyuhan ng langis sa local market.
Ito na ang pang-apat na linggo ng sunod-sunod na beses na pagtaas ng mga produktong petrolyo.
