Kumpirmado na! Pinili na ni Pangulong Bongbong Marcos ang susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP), pero tikom pa ang bibig kung sino ito. “Very senior officer” daw ang napili, pero ayaw muna niyang banggitin ang pangalan hangga’t di pa opisyal ang anunsyo.
“Ayokong malaman niya sa balita. Dapat ako mismo ang magsabi sa kanya,” ani Marcos sa media sa ASEAN Summit sa Malaysia.
Ang direktiba ni Marcos, Ipagpatuloy lang ang magandang trabaho. Bumaba kasi ng 23% ang krimen sa Metro Manila nitong huling anim na buwan, at bumaba rin sa buong bansa ang mga kaso ng murder, rape, theft, at carnapping.
Bagama’t maganda ang stats, giit ng Pangulo, kailangang mas madami pa ring pulis sa lansangan para mas ramdam ang seguridad. Tinulak din niya ang “Cops on the Beat” program at plano niyang gawing 5 minutes lang ang response time ng emergency services.
Magreretiro na si PNP Chief Gen. Rommel Marbil sa June 7 matapos palawigin ang termino hanggang matapos ang 2025 elections. Sa mga inaabangang kandidato: Lt. Gen. Nartatez Jr., Lt. Gen. Okubo, Brig. Gen. Aberin, at Maj. Gen. Torre III. | via Allan Ortega | Photo Courtesy of PNP
#D8TVNews #D8TV