Suspensyon ng field units ng BIR, layong paigtingin ang sistema

Ipinag-utos ng Department of Finance (DOF) Secretary Frederick Go ang malawakang suspensyon ng lahat ng field units at operasyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) upang linisin ang proseso, gawing mas transparent ang pamamalakad, at mas maprotektahan ang karapatan ng mga taxpayer.

Kasunod ito ng utos ni BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza na itigil agad ang pag-iisyu ng Letters of Authority (LOA) at Mission Orders (MO) na batay sa Revenue Memorandum Circular No. 107-2025 na naglalayong pigilan ang pang-aabuso, harassment, at anumang iregularidad ng ilang tauhan ng BIR.

Dagdag pa ni Secretary Go, tumugon lamang sila sa reklamo ng taumbayan tungkol sa paglabas ng Letters of Authority (LOAs) at Mission Orders (MOs).

Saklaw ng suspensyon ang operasyon ng Large Taxpayers Service, Revenue Regions at District Offices, Assessment Divisions, VAT Audit Units, at Intelligence at Special Audit Units. Pero hindi kasama ang mga kasong may agarang aksyon tulad ng active criminal investigations, expiring audits, refund claims, at mga taxpayer na may verified intelligence flags. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *