Isang swerteng mananaya ang mag-uuwi jackpot prize ng Super Lotto 6/49 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong gabi ng Martes, Nobyembre 11.
Ayon sa PCSO, ang lucky winner mula Nueva Ecija ang mag-uuwi ng tumataginting na P184,998,366.40.
Ang winning numbers ay 4-25-20-14-12-5.
Wala namang nakakuha ng Ultra Lotto 6/58 na may jackpot prize na P108,810,101.40 at Lotto 6/42 na P75,610,006.60.
