Suntay, nag-sorry sa kontrobersyal na analogy

“The analogy was purely taken out of context… {pero} nagsisisi ako na may mga nasaktang kababaihan.”

Ito ang pahayag ni Quezon City 4th District Representative Bong Suntay, matapos umani ng batikos ang kanyang naging analogy sa isang pagdinig.

Sa isang ambush interview, humingi ng paumanhin ang mambabatas sa aktres na si Anne Curtis at sa mga kababaihang aniya’y na-offend sa kanyang pahayag.

Ang naturang analogy ay iniuugnay niya sa usapin ng kontrobersyal na pagbabanta umano ni Vice President Sara Duterte laban kay Pres. Ferdinand Marcos Jr., bilang bahagi ng diskusyon ng impeachment complaint.

Binigyang-diin ni Suntay na wala umanong malisya ang kanyang intensyon at layon lamang niyang ipunto na ang “desires” at “imagination” ay hindi sapat upang maituring na isang impeachable offense.

Sa kabila ng paghingi ng tawad, nanindigan si Suntay na naging “effective” umano ang kanyang analogy. Aniya, kung hindi niya ginamit ang naturang halimbawa, hindi ito mapapansin ng publiko, kabilang ang aniya’y kakulangan ng impartiality ng ilang miyembro ng Committee on Justice.

Matatandaang naging kontrobersyal ang pahayag ni Suntay matapos niyang gamitin ang pangalan ni Anne Curtis sa isang hypothetical scenario bilang paghahalintulad sa ikaapat na ground ng impeachment complaint laban kay Duterte. | via Judea Bernardo, D8TV Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *