Sunog, sumiklab sa isang gusali ng DPWH sa Quezon City

Sumiklab ang sunog sa opisina ng Department of Public Works and Highways (DPWH) partikular na sa gusali ng Bureau of Research and Standards sa Quezon City, bandang alas-dose ng tanghali ngayong Miyerkules, October 22.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula umano ang sunog sa isang computer sa loob ng Materials Testing Division na napaulat na sumabog.

Samantala, kinumpirma naman ng DPWH na walang dokumento sa gusali ang may kaugnayan sa isinasagawang imbestigasyon sa flood control projects.

Tiniyak ng ahensya na walang nasugatang empleyado sa insidente at nagpadala na rin ng investigation team upang matukoy ang kabuuang pinsala sa nangyaring sunog.

Umabot ang sunog sa ikatlong alarma at idineklarang fire under control ang sunog bandang 1:30 ng hapon. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *