Isang malaking sunog ang sumiklab sa isang supermarket sa Barangay Pasong Putik sa Quezon City kaninang madaling araw.
Itinaas ang sunog sa ikalawang alarma bandang alas-4:50 ng umaga at mabilis itong umakyat sa ikalimang alarma bandang alas-5:17 ng umaga.
Sa lakas ng sunog, ilang bahagi rin ng gusali ang gumuho ngunit hindi pa rin tukoy ang sanhi nito.
Idineklara namang fire under control ang sunog ganap na alas-7:59 ng umaga.
Samantala, naglabas ng abiso ang naturang supermarket na pansamantala muna nilang itong isasara.
“Landers Fairview is temporarily closed. We apologize for the inconvenience.”
Anila, mamili na muna sa mga kalapit na branch nito.
“In the meantime, you can still shop at Landers Balintawak, Landers UP Town Center, or any Landers Superstore branch near you. Thank you.”
